Saturday, May 31, 2008

SHOOT TO KILL

Siguro naman narinig nyo na yung RCBC massacre sa Laguna about last week. Kung nakapanood kayo ng news or nakapagbasa kayo ng dyaryo, malalaman niyo na heto na daw yata ang pinaka-grabeng bank robbery sa Pilipinas; "bloodiest bank robbery", sabi nga nila. Kung titingnan mo nga naman ang nangyari, lahat nung sampung tao na nasa loob nung bangko nung mga oras na iyon, ay binaril sa ulo, pagkatapos daw ay umalis na ang mga magnanakaw dala-dala ang mga nanakaw nilang pera na nagkakahalaga ng mahigit Php 9 million to Php 12 million cash; kung tutuusin, Php 1 million bawat taong pinatay.
Para sa akin, dapat lang na ikulong ng habang-buhay ang mga kasangkot sa massacre na ito. Walang silang awa sa mga taong wala namang ginagawang masama sa kanila. Ganito na ba talaga kahirap ang buhay dito sa Pilipinas? Bakit pa nila kailangang pumatay ng mga tao, kung ang habol naman talaga nila ay pera? Bakit hindi na lang nila kinuha yung pera, pagkatapos ay umalis na lamang sila o magtago sila?
Sana ay wala ng ganitong krimen pa ang mangyari dito sa atin. Ipagdasal na lamang natin na sana ay maresolbahan ang krimeng ito sa pinakamablis na panahon.

3 comments:

adoboys said...

I agree bro, pero sa tingin ko mas just kung bibigyan nila ng death sentence ang mga responsible sa event na to, biruin mo 12 lives ang nawala dahil lang sa ganyan? kung bibigyan mo lang sila ng life sentence sa jail, injustice ang kalabasan nyan. opinion lang pis awt >.<

adoboys said...

I agree bro, pero sa tingin ko mas just kung bibigyan nila ng death sentence ang mga responsible sa event na to, biruin mo 12 lives ang nawala dahil lang sa ganyan? kung bibigyan mo lang sila ng life sentence sa jail, injustice ang kalabasan nyan. opinion lang pis awt >.<

kirodomingo said...

adoboys agree din ako sobrang injustice talaga kapag wlang death sentence.